Muling nanawagan ang DFA o Department of Foreign Affairs sa mga OFW’s sa buong mundo na magpareshistro na para sa 2016 Presidential elections.
Ayon sa ahensya, kailangang marinig ang boses ng mga OFW’s sa paghahalal sa mga bagong pinuno ng bansa.
Para makapagparehistro ang isang OFW, ayon sa DFA, kailangan lamang na ito’y 18 anyos pataas at kwalipikadong bumoto.
Personal na magtungo sa konsulado o sa mga ahensyang puwedeng magparehistro upang makuhanan ng biometrics, thumb print, at lagda.
Kailangan ding mayroong bisa at pasaporte o DFA certification.
Sakaling wala nito ay maaaring magpakita ng ibang dokumento ng pagkakakilanlan.
Mayroon ding sasagutan na Overseas Registration na maaaring ma-download sa www.dfa.gov.ph o www.comelec.gov.ph.
Ang deadline ng pagpaparehistro ng overseas voters, ayon sa DFA ay sa Oktubre 31.
By Avee Devierte | Allan Francisco