Tiniyak ng kumpanyang Uber ang pagpapa-accredit sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bago mag-August 18.
Ipinabatid ito ni LTFRB Executive Director Roberto Cabrera matapos makausap ang isang kinatawan ng Uber sa Singapore kaugnay sa pagpaparehistro nito.
Sinabi ni cabrera na pinag uusapan pa kung irerehistro nito ay uber philippines o uber usa
Una nang inihayag ng LTFRB na mayruon na lamang hanggang August 20 ang Uber para iparehistro ang kanilang kumpanya at hindi maituring na kolorum na may multang P200,000 sa van at P120,000 naman sa mga Sedan bukod pa sa tatlong buwang pagpapa-impound.
By Judith Larino