Iginiit ng Commission on Elections (COMELEC) na wala na itong ibibigay na ekstensyon sa registration ng mga botante para sa May 2016 elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, sapat na ang mahabang panahon na ibinigay nila para makapag parehistro ang mga botante.
Sinabi ni Bautista na kailangan naman nila ng sapat na panahon para paghandaan ang automated elections.
Tiwala pa rin si Bautista na sasamantalahin ng mga botante ang natitirang panahon para magparehistro.
Muling ipinabatid ni Bautista na nasa P53 million voters pa rin ang hinihintay nilang makapagparehistro hanggang sa katapusan ng Oktubre.
By Judith Larino