Hindi pa pinapayagan ang pagbabakuna sa mga menor-de-edad subalit maaari nang simulan ng mga local government unit ang pagpaparehistro.
Ito ang nilinaw ni Dr. Ted Herbosa, Special Adviser to the National Task Force against COVID-19, sa gitna ng ikinakasang vaccination sa mga edad 12 hanggang 17.
Ayon kay Herbosa, pinag-aaralan pa Ng National Immunization Technical Advisory Group ang datos sa pagbabakuna sa nabanggit na age group.
Pinapayagan lamang anya ng LGU ang pagpaparehistro upang mabatid kung ilan ang kabataang magiging candidate sa bakuna.
Samantala, patuloy naman ang diskusyon para sa booster shots ng healthcare workers at immune-compromised individuals.—sa panulat ni Drew Nacino