Isinusulong sa Senado na iparehistro ang lahat ng Subscriber Identification Module o SIM Card sa buong bansa.
Sa panukalang SIM card registration ni Senador Sherwin Gatchalian, irerehistro ang lahat ng SIM card aaboat na sa 120 Milyon, kung saan 95 porsiyento ay prepaid.
Ito, ayon kay Gatchalian, ay dahil nagagamit na rin ang cellphone na may prepaid SIM sa terorismo bilang triggering device sa mga insidente ng pambobomba.
Kung maipapasa ang batas, dapat iparehistro ng may-ari ang kanyang SIM matapos ang anim na buwan habang ibabahagi ng mga Telecommunications Company ang datos ng owner sa National Telecommunications Commission.
By: Drew Nacino
Pagpaparehistro sa lahat SIM card isinusulong sa Senado was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882