Pinalawig na hanggang sa October 31 ang validity nang pagpaparehistro ng mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 8.
Ayon sa Land Transporation Office (LTO), ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 8 ay mabibigyan ng pagkakataon hanggang katapusan ng buwan para makapag-parehistro nang walang penalty.
Extended din ang bisa o validity ng driver’s license, student permit, conductor’s license at medical certificate na may na nag-expire noong Agosto at Setyembre.
Gayunman, may bisa pa ang mga holder ng lisensiya at certificate hanggang sa Oktubre a – 31. —sa panulat ni Jenn Patrolla