Muling ipinaalala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga negosyante at mga online business owners na iparehistro na sa ahensya ang kanilang mga negosyo.
Ayon sa BIR, sa Setyembre 1 na ang deadline ng pagpaparehistro ng mga negosyo sa ahensya.
Kabilang dito ang lahat ng uri ng online business, kahit magkano pa ang kinikita nito.
Kasabay nito, paalala ng bir sa mga hindi nag-iisyu ng resibo, may kaukalang parusa ito alinsunod sa batas.