Isinulong ni ACT-CIS Party List Representative Niña Taduran ang pagpaparusa at tuluyang pagpapasa sa mga establishment na lumalabag sa mga panuntunan hinggil sa community quarantine.
Kasunod na rin ito ng nakuhang report ni Taduran hinggil sa ilang pasugalang operational na at nagbukas pa ng private rooms (VIP) para sa kanilang mga parokyano.
Ito ay matapos mag reklamo sa assistant house majority leader ang pamilya ng 80 taong gulang na lola na tumatakas ng kanilang bahay at nagsusugal kasama ang mga amigang senior citizens.
Sinabi ni Taduran na nauunawaan niyang nais lamang maglibang ng mga tao dahil stress na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic subalit mas mabuting maglibang sa loob ng bahay kasama ang pamilya.
Hindi na aniya dapat pinapalabas pa ng bahay ang mga matatanda lalo na kung pupunta sa mga public establishments na hindi naman kailangan.
Bukod sa mga casino at iba pang pasugalan bawal pa ring mag operate sa ilalim ng general community quarantine ang childrens amusement industries, cultural centers tulad ng museums, gardens at libraries, tourist destinations tulad ng beaches, water parks at resorts, travel agenies, personal care services tulad ng spa, sauna at waxing salon, gyms at fitness studios, cinemas, theatres at karaoke bars at mga pubs, nightclubs at beerhouse.