Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pagpaparusa sa 64 na indibidwal na lumabag sa umiiral na Gun ban sa kasagsagan ng SONA ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon kay PNP director for operations, Police Major General Valeriano de Leon, kasalukuyang nagsasagawa ng case review ang Firearms and Explosives office, upang malaman kung sino sa mga nahuli ang rehistradong gun owners.
Kapag nakumpirmang pagmamay-ari ng nahuli ang baril, mahaharap ito sa permanenteng diskwalipikasyon ng armas.
Pero kapag ang nahuli ay may loose firearms ay otomatiko itong kakasuhan ng Illegal Possesion of Firearms.