Ikinakasa na ng Ombudsman ang paggamit nito ng makabagong teknolohiya upang mapadali na ang paghahain ng SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth para sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan.
Ito’y makaraang lagdaan na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang memorandum circular number 2 na nag-uutos sa lahat ng ahensya ng pamahalaan, AFP, PNP at mga GOCC na magsumite ng electronic at hard copies ng kanilang mga SALN.
Binigyang linaw ng Ombudsman na dapat nasa PDF format ang mga electronic SALN at naka-save din sa mga CDs o flash drives bilang back up file at dapat maisumite bago o sa mismong araw ng Hunyo 30 ng bawat taon.
Maliban dito, ipatutupad na rin ng Ombudsman ang isang kasunduang pinasok nito noong 2013 na naglalayong gawing digital na ang pagpapasa ng SALN simula sa susunod na taon.
—-