Inire-require na ng gobyerno sa lahat ng vaccination sites ang pagpapasa ng datos dalawang araw matapos ang pagbabakuna sa mga ito.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles, pinagtibay na ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) mula sa rekomendasyong ginawa ng sub-technical working group on vaxcertph.
Ipinapatupad ito sa lahat, publiko man o pribadong vaccination sites lalo na yung mayroong vaccine administration systems.
Ang programa ay sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Vaccine Administration System (DVAS), DVAS mobile, at DVAS offline. —sa panulat ni Abby Malanday