Isang indikasyon ng pagkatalo ang pagpapasabog ng Islamic State sa pinakamatanda at pinakamakasaysayang Grand Al-nuri Mosque sa Mosul, Iraq.
Ito ang inihayag ni Iraqi Prime Minister Haider Al-Abadi makaraang durugin ng ISIS ang nabanggit na mosque habang papalapit ang Iraqi Forces sa posisyon ng mga terorista.
Ayon kay Al-Abadi, inaasahang sa lalong madaling panahon ay idedeklara na ang kalayaan ng Mosul sa kamay ng pinakabrutal na terrorist group sa kasaysayan.