Walang kaugnayan sa darating na eleksyon ang mga pambobomba sa tower ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines sa Mindanao.
Binigyang diin ito ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista matapos makipagpulong sa mga kinatawan ng DILG, PNP, AFP at NGCP.
Sinabi ni Bautista na ang mga pagpapasabog sa NGCP towers ay may kaugnayan sa right of way issues sa mga may-ari ng lupa na humihingi ng kompensasyon sa gobyerno dahil tinayuan ng transmission lines ang kanilang lupang pag-aari.
Una nang hiniling ng NGCP sa COMELEC na gumawa ng resolusyon na mag-aatas sa mga pulis at sundalo na pumasok sa mga nasabing lupain at magbigay ng seguridad sa mga tauhan ng NGCP na magre-repair ng mga nasirang transmission lines.
By Judith Larino