Mariing kinondena ng AFP ang nangyaring pagpapasabog sa isang bus sa bayan ng Aleosan sa Cotabato City.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni LtCol. John Paul Baldomar, Spokesman ng 6th Infantry Division, na agad silang nakipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) upang imbestigahan ang insidente.
Sinabi pa ni Baldomar na nagpaabot na rin sila ng tulong sa mga biktima.
Sa ngayon aniya ay wala pang grupo na umaako sa nangyaring pag-atake.