Inako ng ISIS ang responsibilidad sa pagpapasabog sa concert ni pop artist Ariana Grande sa Manchester City sa United Kingdom na ikinasawi ng dalawampu’t dalawa (22) katao.
Ayon sa ISIS, inilagay ang mga bomba malapit sa crowd.
Kasabay nito, nagbanta pa ang ISIS ng mga dagdag na pag-atake.
Kaugnay nito, itinaas na sa critical level ang banta sa United Kingdom matapos ang pag-atake.
By Judith Larino
Pagpapasabog sa concert ni Ariana Grande inako ng ISIS was last modified: May 24th, 2017 by DWIZ 882