Inako ng Islamic State (IS) ang insidente ng pagpapasabog sa mini bus na may lulang mga empleyado ng isang local television sa Kabul, Afghanistan.
Batay sa ulat nasawi sa pag-papasabog ang isang Afghan Journalist at isang technician habang nasa pitong iba ang sugatan.
Wala ibinigay na dahilan ang IS sa kanilang aksyon bagama’t ilang mga naunang madugong pag-atake na rin sa Afghanistan ang inako ng grupo.
Samantala, mariin namangg kinondena ng Estados Unidos, European Union at NATO ang insidente.
Magugunitang dalawang empleyado ng Khurshid TV ang nasawi habang dalawa rin ang nasugatan sa kaparehong pag-atake na naganap noong nakaraang taon.