Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na may koneksyon sa iligal na droga ang nangyaring pagpapasabog sa isang pistahan sa bayan ng Hilongos, lalawigan ng Leyte.
Sa panayam ng CNN Philippines sa Pangulo, sinabi nitong may sigalot sa pagitan ng mga sindikato ng iligal na droga hinggil sa teritoryo nila sa nasabing lugar.
Imposible rin aniyang New People’s Army o NPA ang nasa likod ng pambobomba dahil wala sa katangian aniya ng mga ito ang umatake sa mga inosenteng sibilyan.
Kaugnay nito, bibisitahin muna ng Pangulo ngayong araw ang mga nasugatan sa pagsabog bago ito tumulak pauwi sa Davao City.
By Jaymark Dagala