Kinondena ni Pope Francis ang nangyaring pagsabog sa isang simbahan sa Egypt na ikinasawi ng may apatnapu’t apat (44) katao.
Ayon sa Santo Papa, kanyang ipinagdarasal ang lahat ng mga nasawi at biktima sa naturang pag-atake.
Maliban dito, kanya ring ipinapanalangin na haplusin nawa ng Panginoon ang puso ng mga taong nasa likod ng paghahasik ng karahasan at takot.
Matatandaang nangyari ang pagsabog habang nasa kalagitnaan ng Palm Sunday mass sa Tanta at Alexandria.
By Ralph Obina