Binatikos ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagpapasaklolo ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na humihiling na ipatigil ang naka-ambang imbestigasyon ng Senado sa mga kontratang pinasok sa gobyerno ng security firm na pagmamay-ari ng pamilya nito.
Ayon kay Trillanes walang legal na basehan ang naturang apela ni Calida lalo’t wala naman aniya itong immunity bilang SolGen.
Iginiit ng senador na saan man magtago si Calida ay magpapatuloy ang imbestigasyon laban dito.
Tiniyak din ni Trillanes na kanyang ilalabas sa lalong madaling panahon ang mga katiwalian ni Calida.
Matatandaang nag-ugat ito sa mga nadiskubreng kontrata na pinasok ng security firm na pag-aari ng pamilya Calida na vigilant investigative and security agency sa tatlong ahensya ng gobyerno.
—-