Nagpasaklolo na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Chamber of Mines of the Philippines kasunod ng higit dalawampung (20) minahan na ipinasara ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.
Ayon sa grupo, dapat na i-review ng Pangulo ang naging kautusan ni Lopez dahil labis na naapektuhan ang mga komunidad sa pagpapasara ng naturang mga minahan.
Tinawag pa ng grupo na iresponsable, unfair at iligal ang pagbansag ni Lopez na healing the hurt ang kanyang ginawang hakbang.
Taliwas sa naging statement ng kalihim, sinabi ng grupo na mas lalong nasasaktan ang mga komunidad at mga residente sa biglaang pagpapasara ng mga minahan.
Dahil sa naging hakbang ng kalihim, nailagay anila sa alanganin ang hanapbuhay ng 1.2 milyong katao gayundin ang 22 milyong dolyar na halaga ng investment sa mining sector.
By Rianne Briones