Ipinag-utos ng Department of Finance sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapasara ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at kanilang mga service provider na hindi nagbabayad ng buwis ng kanilang mga manggagawang dayuhan.
Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez III, mababa ang koleksyon ng ahensya mula sa ilang mga POGO dahil sa mabagal na pagbabayad ng mga ito sa kabila ng pagpapadala ng BIR ng nasa 130 letter of notices kung saan naniningil sa kanila ng P21.62B.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang BIR sa Department of Labor and Employment (DOLE), Bureau of Immigrations (BI) at PAGCOR para sa pagpapatupad ng nabanggit na kautusan.
Batay sa datos, mula Enero hanggang Agosto ngayong taon, nakakolekta ang BIR ng P1.4B mula sa mga POGOs.