Pinag-aaralan ng National COVID-19 Task Force kung ipapasara muna ang mga sementeryo ngayong Undas para hindi kumalat ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Brigadier General Restituto Padilla, spokesman ng task force, kasunod ng payo sa publiko na maaga na lamang magtungo sa sementeryo para bisitahin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Una nang ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo sa lungsod mula ika-31 ng Oktubre hanggang ika-3 ng Nobyembre para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 dahil sa inaasahang pagsisiksikan ng mga tao sa panahon ng Undas.