Umapela ang mga residente sa Quezon, Nueva Vizcaya sa pamahalaan na ipatigil na nito ang operasyon ng isang minahan malapit sa kanila.
Ito’y kasunod ng pagkasawi ng 10 matapos matabunan ng gumuhong lupa sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses noong isang linggo.
Batay sa ulat ng pulisya sa lugar, tatlong sitio sa Barangay Runruno ang natabunan ng gumuhong lupa dahil sa lubhang napakalambot na nito dulot ng sunod-sunod na pag-ulan.
Ayon sa mga residente, noong isang taon pa sila lumiham kay Pangulong Rodrigo Duterte para ipasara ang minahang pinatatakbo ng FCF minerals incorporated dahil sa ginagawang blasting activities nito.
Bagama’t tutol sa operasyon ng minahan, aminado si nueva Vizcaya Gov. Carlos Padilla na nabigyan ng permit to operate ang nasabing kumpaniya dahil nakasunod umano ito sa mga rekesitos ng national government.