Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na paikliin lamang sa anim na buwan ang pagpapasara sa isla ng Boracay upang bigyang daan ang gagawing rehabilitasyon ng pamahalaan sa isla.
Ito’y ayon sa Pangulo makaraang sabihin sa kaniya ni Department of Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge Eduardo Año sa isinagawang cabinet meeting noong Lunes.
Sa kaniyang talumpati kahapon sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines sa Maynila, sinabi ng Pangulo hindi siya nanghihimasok sa trabaho ng mga kalihim kaya’t susuportahan niya ang anumang magiging desisyon ng mga ito.
Una nang inirekomenda ng binuong Joint Task Force Bora sa pangunguna ni Environment Secretary Roy Cimatu na isara ang isla ng Boracay sa loob ng isang taon gayundin ang pagsasailalim dito sa State of Calamity.
“He, well, tell you, Año, sabi niya, Mayor, Boracay, he thinks will take a little bit longer and I answered him, general nandiyan ka, I placed you there, whatever is your decision I will support you bahala ka you just make the recommendation and if I fined everything that is alright and in consonance with the..sabi niya it would take about 6 months, eh then do it”.
—-