Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tigil-operasyon ng lahat ng Chuzon Market sa Pampanga.
Ito’y matapos mapag-alaman ng pangulo na ang business permit ng naturang gusali ay hanggang ikalawang palapag lang ngunit ito ay umabot sa apat na palapag.
Naging kuwestiyon din para sa pangulo kung bakit mabilis na gumuho ang naturang supermarket gayung apat (4) na taon pa lamang ang operasyon nito.
Sa ngayon ay hihintayin pa ang resulta ng isinasagawang assessment sa naturang pamilihan.
Agarang pagtugon ng gobyerno sa mga biktima ng M6.1 lindol sa Pampanga, pinuri
Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mabilis na pagtugon ng mga ahensya ng gobyerno sa malakas na lindol.
Partikular na tinukoy ng pangulo ay ang pagbibigay ng tulong at alalay sa mga naapektuhan ng lindol.
I’d like to commend the national guys who were there at the scene, ‘yung the province itself and the helping hand of the LGUs pati ‘yung local government units. I’d like to thank you for the speedy chore that you have displayed so far. Sana manatili na ganoon ‘yan for after all we are really living in one country and there is faul, fault, fault everywhere…” anang Pangulo.
Kasabay nito tiniyak ni Pangulong Duterte sa mga biktima ng lindol na tutulong ang gobyerno para makabangon at makabalik ang mga ito sa normal na pamumuhay.
It’s not so devastating but still, it’s a problem for us, and the fact that we are assembled here talking about it. At the end of the day, it boils down to money…” dagdag pa ng Pangulo.