Ipinag-utos ng Vatican ang pagsasara ng lahat ng mga Simbahang Katolika sa Rome dahil sa panganib na dulot ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ng Papal Vicar for Rome na bubuksan na lamang muli ang mga simbahan sa Roma kapag natapos na sa April 3 ang ipinatutupad na crackdown ng Italian government sa public gatherings.
Mayroong mahigit 900 parochial at historic churches sa Rome.
Sinabi ng Vatican na exempted ang mga mananampalataya sa kanilang obligasyong dumalo sa misa na hindi muna idaraos, samantalang hindi na rin muna matutuloy maging ang mga nakaschedule na kasal.
Sakaling may nais bumisita sa mga simbahan, maaari pa rin itong gawin subalit kailangang sundin ng publiko ang guidelines na 3-feet apart sa isa’t isa.