Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga malalaking negosyante sa bansa na bayaran ng tama ang kanilang buwis sa pamahalaan.
Ito’y makaraang bigyan nito ng deadline ang airline magnate at business tycoon na si Lucio Tan ng sampung araw para bayaran ang utang nito sa pamahalaan na nagkakahalaga ng mahigit pitong bilyong piso.
Magugunitang ang PAL o Philippine Airlines na pagmamay-ari ni Tan ang siyang umookupa sa buong terminal 2 ng NAIA o Ninoy Aquino International Airport mula nang maitatag ito noong 1998.
Kasunod nito, nanindigan ang Pangulo na kaniyang ipatutupad ang batas at wala aniya siyang pakialam kahit sino pa ang masagasaan maging ito man ay kaniyang kaibigan o kaaway.
—-