Suportado ng Pangulong Rodrigo Duerte ang pagpapasara sa open pit mining tulad nang iginigiit noon ni dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.
Kaugnay nito, pinakilos na ni Pangulong Duterte si DENR Secretary Roy Cimatu na pag-aralan ang posibleng pagpaparasa sa mga open pit mining operation.
Dahil dito, pinayuhan ng Pangulo ang mga mining company na ayusin ang pagmimina nila kung ayaw ipasara ang kanilang operasyon.
Matatandaang iginiit ng dating kalihim ng DENR na pinapatay ng open-pit mine ang economic potential ng mga komunidad na pinagtatayuan nito dahil sa tumataas aniya ng limandaang (500) beses ang toxicity level ng lugar.