Umani ng iba’t ibang rekasyon mula sa mga senador ang pagkaka-terminate ng 1989 DND-UP agreement.
Ayon kay Sen. Ronald Bato Dela Rosa, dapat ay matagal ng ginawa ang pagpapawalang bisa sa naturang kasunduan na nagbabawal sa mga otoridad na pumasok sa UP campus ng walang koordinasyon.
Ani Dela Rosa, dahil sa naturang kasunduan, 31 taon ng naloloko at naiisahan ng CPP-NPA ang gobyerno dahil sa nagagawa pa rin ng mga itong makapag-recruit ng mga kabataan.
Nagpahayag naman ng pangamba si Sen. Sonny Angara at bilang nagtapos din sa UP ay alam niyang baluwarte ng academic freedom ang unibersidad kung saan bawat isa ay malayang nakapaghahayag ng kanilang magkakaibang opinyon at paniniwala ng walang pangamba na mapaparusahan.
Sinabi naman ni Sen. Risa Hontiveros na kung desidido ang administrasyon , mas makabubuti kung pagdiskitahan nila ang mga komunistang lantarang nanghihimasok sa West Philippine Sea.— ulat mula kay Cely Ortega-Bueno