Pinalagan ng mga grupo ng Customs brokers ang pagpapasibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ito na umano’y isa sa mga ugat ng kurapsyon sa ahensya.
Ayon kay Customs Brokers in Education President Norberto Castillo, hindi lamang sa Customs Brokers Act of 2004 labag ang sinasabing hakbang ng pangulo kundi pati sa konstitusyon.
Naniniwala naman si Chamber of Customs Brokers President Adones Carmona na “unfair” ang naturang utos ng punong ehekutibo dahil hindi naman aniya sa Bureau of Customs (BOC) lamang may kurapsyon kundi pati rin sa ibang ahensya ng gobyerno.
Dagdag pa ni Carmona, libu-libong pamilya ng mga brokers at mga estudyanteng kumukuha ng Bachelor of Science in Customs Administration ang maaapektuhan sakaling maimplementa ang kautusan.
Una rito, isinsi ni Pangulong Duterte sa mga broker ang paglaganap ng kurapsyon sa ahensya.