Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya sa Light Rail Transit (LRT) Line 2 East Extention Project.
Ito ang karagdagang dalawang istasyon ng LRT Line 2 na magdurugtong sa Santolan sa Pasig City hanggang sa bahagi ng Masinag sa Antipolo City.
Sa kaniyang talumpati, ikinatuwa ni Pangulong Duterte na naging bahagi siya ng kasaysayan dahil halos dalawang dekadang hinintay ng mga Pilipino.
“The opening of two additional LRT 2 stations one is Marikina and another in Antipolo would increase the lines of daily capacity by 80k passengers the usual 3 hour travel from Recto to Manila to Masinag in Antipolo will now be just 48 minutes.” Pahayag ni President Duterte.
Kasunod niyan, inanunsyo mismo ng pangulo na libre muna ang pamasahe para sa mga bibiyahe mula Santolan patungong Masinag sa loob ng dalawang linggo.
Dahil dito, umaasa si Pangulong Duterte na malaki ang mai-aambag ng proyektong ito sa paglago ng ekonomiya at pagpapabuti ng buhay ng mga pilipinong makikinabang dito.
“Now our commuters can travel faster to be more productive and enjoy quality time in travel to… let me assure everyone that this developments will be responsive to the challenges of 21st century and beyond so we can adopt in response to expected challenges of the times.” Pahayag ni President Duterte.
—Ulat mula kay Patrol 17 Jopel Pelenio