Ipinaubaya na ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasiya kung dapat bang isapubliko ang listahan ng mga politikong sangkot umano sa iligal na droga.
Ayon kay Albayalde, nakahanda naman siyang suportahan ang pangulo sakaling magdesisyon itong ilabas ang mga pangalan ng mga politikong nasa narco list.
Una nang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na mas pipiliin niyang sampahan na lamang ng kaso ang mga politikong sangkot sa iligal na droga sa halip na isapubliko ito.
Gayunman binigyang diin ni aquino na kanya pa ring susundin ang pangulo kung anuman ang iaatas nito kaugnay sa usapin.
Magugunitang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, nakatakda siyang makipagpulong sa PDEA hinggil sa planong isapubliko ang listahan ng mga narco politicians bago ang pagsisimula ng kampanya para sa lokal na opisyal ngayong Marso 30.
(with report from Jaymark Dagala)