Inatasan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang lahat ng mga local government units (LGU) na ipaskil o isapubliko ang listahan ng mga benepisyaryo ng social amelioration program (SAP) na nakatanggap na ng ayuda.
Ito aniya ay bilang pagpapakita ng transparency sa programa.
Maliban dito, ipag-uutos din ni Año ang pagpapaskil ng pangalan ng mga nakatanggap ng dobleng pinansiyal na ayuda.
Ipinasusumite din ni Año sa mga LGU’s ang listahan ng limang milyong pamilya na hindi nakatanggap ng pinansyal na ayuda sa unang tranche ng SAP para mabigyan ng prayoridad ang mga ito sa ikalawang tranche.
Una na ring hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte Ang mga benepisyaryo ng SAP na nakatanggap ng doble na ibalik ito sa pamahalaan.
Kasabay na rin ito ng kanyang babala laban naman sa mga opisyal ng pamahalaan na nasasangkot sa anomalya sa pamamahagi ng SAP.