Pinalawig ng Sugar Regulatory Administration Board ang deadline ng imported ng asukal na hanggang katapusan ng buwan upang dalhin ang natitirang 200,000 metric tons ng imported na asukal sa bansa.
Kaugnay nito, noong Pebrero pinahihintulutan ng SRA ang pag-aangkat ng 200,000 mt ng asukal upang madagdagan ang suplay sa taong ito.
Ayon sa SRA board, ang deadline para sa SRA Clearance for Release of Imported Sugar ay hanggang September 30, 2022 habang ang petsa ng pagdating ng imported na asukal ay hanggang October 31, 2022.
Naglalaan ng alokasyon ang SRA sa asukal ang: ‘A’ para U.S qouta, ‘B’ para domestic consumption, “C” para sa reserba at ‘D’ para sa world market. —sa panulat ni Jenn Patrolla