Pansamantala nang sinuspinde ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang resolusyon na nagpapahintulot sa pagpasok ng mga fully vaccinated na biyahero mula sa non-visa required countries na kabilang sa “green” list.
Sa gitna pa rin ito ng banta ng COVID-19 Omicron variant na nadiskubre sa South Africa.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, suspendido rin ang testing at quarantine protocols para sa mga bansa o teritoryong nasa “green list” epektibo hanggang December 15.
Sa kasalukuyan ay apatnapu’t isang bansa ang nasa green list ng Pilipinas.
Bagaman naghipit sa border control system, hindi pa tuluyang isinasara ng Pilipinas ang borders nito sa iba pang bansa na mayroong kumpirmado o hinihinalang kaso ng Omicron, kabilang ang Hong Kong at Australia. —sa panulat ni Drew Nacino