Nasa 800 indibidwal lamang ang pinayagang makapasok sa golden mosque sa lungsod ng Maynila.
Bahagi ito nang paggunita sa Eid’l Adha o Arabic festival of sacrifice ngayong araw na ito na isang regular holiday.
Ang mga hindi nakapasok sa mosque, ayon sa mga otoridad na nasa halos 1K pa ay kailangang magsagawa ng morning prayer sa mga lansangan ng Globo De Oro at Elizondo.
Inabutan ng pag-ulan ang pang umagang dasal kayat kinailangang putulin ang pagtitipon ng mga tao sa labas ng mosque.
Ito na ang ikalawang beses na ipinagdiwang ng mga kapatid na Muslim ang Eid’l Al Adha sa ilalim ng pandemya subalit ito ang unang beses na nadala ng marami ang kanilang mga anak sa pagdiriwang matapos payagang lumabas ang mga batang may edad lima pataas.