Pinaiimbestigahan na ni Senate Committee on Migrant Workers chairman Sen. Raffy Tulfo ang pagpapasuot umano ng Personal Protection Equipment (PPEs) sa ilang Overseas Filipino Workers na papaalis ng Pilipinas.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni Tulfo na hindi dapat ito ginagawa dahil tila kinakawawa at diskriminasyon ito sa mga OFW.
Iginiit ni Tulfo na posibleng pineperahan lamang ang mga OFW ng mga manpower agency.
Una na ring kwinestyon ng ilang Senador ang umano’y pagpapagamit ng PPE’s sa mga OFW.
Sinabi pa ni Tulfo na dapat na magpaliwanag at managot ang nasa likod ng pagpapasuot ng PPE’s sa mga OFW.