Nakasalalay sa Anti-Terrorism Council (ATC) ang pagpapasya kung ang isang tao ay terorista o miyembro ng isang terrorist organization.
Tugon ito ni National Security Adviser Hermogenes Esperon sa katanungan kung ano ang garantiya na hindi maaabuso ang probisyon sa anti-terrorism bill na pwedeng ikulong ng 14 hanggang 24 na araw ang isang tao na pinaghihinalaang terorista.
Ayon kay Esperon, magkakaroon muna ng proscription na ang isang tao o grupo ay sangkot sa terorismo tulad na lamang ng Abu Sayyaf na mayroong proscription.
Ang ATC rin anya ang magbibigay ng signal na puwedeng mag-apply ng surveillance sa isang tao o grupo pagkatapos ng proscription.