Magbabase sa scientific data ang gobyerno sa pagpapasya kung paluluwagin ang restrictions sa Metro Manila simula sa June 1.
Kabilang sa mga factors na ikukunsidera ng IATF ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay ang doubling time ng mga kaso, critical care capacity at ang ekonomiya.
Mayorya ng naitatalang kaso o mahigit sa 14,000 coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases ay mula sa Metro Manila na nasa ilalim nang modified enhanced community quarantine simula pa noong May 16 na naging dahilan naman nang pagbubukas muli ng ilan pang negosyo.
Inaasahang magpupulong din ngayong linggo ang Metro Manila Council hinggil sa magiging kapalaran ng kalakhang Maynila simula sa June 1.