Dismayado sa Health Technology Assessment Council (HTAC) si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion dahil sa mabagal na pagpapasya ukol sa pagtuturok ng booster shot sa mga edad 12 hanggang 17.
Ayon kay Concepcion, sa kabila ng papalapit na pagbubukas ng face to face classes ng mga nasa naturang age group ay wala pa ring inilalabas na desiyon ang HTAC hinggil dito.
Aniya, sa Amerika ay matagal nang inaprubahan ang pagbakuna sa mga ito at tanging mga immunocompromised lamang sa nabanggit na age bracket ang pinayagang mabigyan ng booster shot sa bansa at hindi ang lahat ng mga kabataang edad 12-17.
Samantala, bukod pa rito ay nais din nito mailarga na ang 2nd booster shot sa edad singkwenta sa halip na 60 pataas.