Pinakamagandang sagot o solusyon sa tumataas na inflation ay pataasin ang ating produksyon.
Ito ang inihayag ni Senate Committee on Trade and Industry Chairman Koko Pimentel sa harap ng hindi maawat na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Pimentel, dapat simulan na ang pagpapataas ng produksyon ng mga food items na madalas kainin ng mga pinoy araw-araw.
Dapat na rin anyang palakasin ang produksyon ng mga items o goods na maaaring bilhin sa atin ng ibang bansa.
Iginiit ni Pimentel na hindi dapat habang buhay na maging consumer ang mga pilipino bagkus ay dapat maging supplier.
Una nang hinimok ni outgoing DTI Secretary Ramon Lopez si incoming Secretary Alfred Pascual na pababain ang presyo ng mga bilihin sa bansa sa pamamagitan pagpapataas sa produksyon sa gitna ng nagbabadyang food crisis.