Sinisikap ng Department of Science and Technology na mapataas ang produksyon ng mangga, saging at iba pa.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Tanseco Dela Peña, masusi nilang pinag-aaralan at pinopondohan ang mga bagay na posibleng makatulong sa pagpapataas ng produksyon ng mga pangunahing kalakal ng bansa.
Ipinaliwanag ng kalihim na hindi nila maaaring basta na lamang hayaan na bumagsak ang produksyon ng mangga at saging dahil magreresulta ito ng pagtaas ng presyo na makaka-apekto sa mga mamamayan.
Kaya naman, malaki ang pasasalamat ng DOST sa lahat ng mga sumusuporta sa kanilang ahensya para maisakatuparan ang mga proyekto.