Asahan nang tataas ang crop production sa bansa.
Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggamit ng makabagong pamamaraan para sa produksyon ng hybrid rice.
Ginawa ni PBBM ang desisyon matapos makipagpulong sa ilang pribadong kumpanya at mga magsasaka sa Central Luzon kung saan inirekomenda ang paggamit ng pamamaraan para sa hybrid rice production.
Nabatid na ang mga rice farming areas para sa certified seeds ay iko-convert na patungo hybrid seeds.
Ayon naman sa SL Agritech Corporation, kung maipatutupad ang hybrid technology sa buong bansa ay maaabot ang target na rice sufficiency at mas makapagbibigay ito ng mas magandang kita sa mga magsasaka.