Naglunsad na ang National Irrigation Authority – Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems o NIA-UPRIIS operations personnel ng joint meeting orientation para sa planong cloud seeding operation sa Pantabangan dam sa Nueva Ecija.
Ito’y upang itaas ang kasalukuyang antas ng tubig ng dam bilang paghahanda sa panahon ng pagtatanim sa susunod na taon.
Kabilang sa mga nakipagpulong sina Department Manager engineer Rosalinda Bote, Philippine Air Force – 900th Air Force Weather Group Commander, Lt. Col. paul Michael Espera at Bureau of Soil and Water Management Team Head Corazon Ditarro.
Inihayag ni Bote na pandagdag lang sa lebel ng tubig ang isasagawang cloud seeding dahil positibo rin naman silang uulan hanggang buwan ng Enero.
Nasa 201 meters ang kasalukuyang lebel ng tubig sa nasabing water reservoir kumpara sa normal level nitong 221 meters.