Itinuturing ng HRW o Human Rights Watch na pag–atake sa demokrasya ng Pilipinas ang naging pagpapatalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.
Ayon kay HRW Asia Division Researcher Carlos Conde, ang naging pagkilos ng korte suprema laban kay Sereno ay kasuklam–suklam at malinaw na pag-atake sa human rights protection at pag-iral ng democratic rule.
Naniniwala si Conde na si Sereno ang dagdag sa pahaba nang listahan ng mga inaabuso at sinisiraan ng Duterte administration.
Posible aniya na ang pagkakaalis ni Sereno sa pwesto ay masundan pa ng iba pang constitutional members ng gobyerno.