Nanawagang patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte ng aabot sa 3,000 raliyista na nagtipun-tipon sa Mendiola, Maynila kasabay ng paggunita sa ika-34 na anibersaryo sa EDSA People Power Revolution kahapon, Martes, ika-25 ng Pebrero.
Ayon sa mga raliyista, marapat lamang na bakantehin na ng pangulo ang kaniyang posisyon dahil sa paggamit umano nito ng batas para patahimikin ang kaniyang mga kritiko.
Protest rally of Militant groups at Espana Mla infront of UST #Edsa1 @dwiz882 pic.twitter.com/egFsiFkBfX
— JILL RESONTOC – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) February 25, 2020
Giit pa ng mga ito, bigo umano ang pangulo na tugunan ang pangangailangan ng taumbayan.
Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang Malacañang kaugnay sa pambabatikos sa pangulo.