Suportado ni Senator Leila de Lima ang panawagang pagpapatalsik kay Senador Richard Gordon bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Matatandaang nanawagan si Senador Antonio Trillanes IV na mapatalsik si Gordon dahil sa ginagawa nitong paghawak sa pagdinig sa mga kasong hinahawakan ng komite kung saan ito lamang ang nagsasalita.
Ayon kay De Lima, unfit na maging chairman ng Blue Ribbon Committee si Gordon.
Tikom naman ang bibig ni De Lima sa pagpihit ni Trillanes na kung di mapapaalis bilang chairman si Gordon ay si Senate President Koko Pimentel na ang dapat na patalsikin sa puwesto.
Samantala, hinikayat naman ni De Lima na huwag tutukan ng mga senador ang hindi pagkakaintindihan sa isang resolusyon laban sa extrajudicial killings bagkus ay tutukan ang muling imbestigasyon nito.
—-