Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi pa pinal ang pagpapatalsik kay Mayor Ciceron Cawaling bilang Alkalde ng Malay, Aklan.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, maaari pang i-apela ni Mayor Cawaling ang desisyon ng Office of the Ombudsman.
Dahil dito, wala pa rin anyang balakid sa muling pagtakbo ni Cawaling bilang alkalde ng Malay, Aklan.
Sa labing-pitong (17) opisyal ng Aklan na kinasuhan ng DILG, tanging si Cawaling at Business Licensing Division Head Jen Salsona ang sinibak ng Ombudsman.
Ang kaso ay nag-ugat sa di umano’y kapabayaan ng mga opisyal na nag-resulta sa pagkasira ng Boracay island.
Ang mandato kasi ng ating mga local chief executives, magpatupad ng mga batas-nasiyonal at mga batas na lokal, which is mga ordinansa. So ‘pag hindi natin ito sinusunod, lalo pa sa case ng Boracay na lahat ng tao ay umaasa sa malinis na beach na ito, dahil pinupuntahan ito ng local at international tourist. Kailangan talaga i-maintain, alagaan at huwag magpadala sa pera-pera lamang.” ani Densing.
Samantala, tiniyak ni Densing na hindi pa ligtas sa kaso ang mga pribadong indibidual na ini-imbestigahan rin ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagkasira ng Boracay island.
Isa ang Boracay o pagpapatakbo ng gobyerno, dependent po ‘yan sa lahat, hindi po puwedeng s agobyerno lang. Kaya tinatawag ko lagi ‘yan maski sa senate hearing. Ang nangyari sa Boracay is failed governance. ‘Pag tinatawag nating failed governance, hindi lamang po taong-gobyerno ‘yan, lahat po involved, ang mga workers, mga negosyante, ang mga residente, of course government officials. Lahat po sila nagkaroon ng maling pagpapatakbo ng isla ng Boracay.” dagdag pa nito.
Ratsada Balita Interview