Magpapatuloy ang sibakan sa mga opisyal sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang lingguhang ulat sa bayan kagabi.
Ayon kay Pangulong Duterte, kanyang iaanunsyo ang panibagong round ng mga sisibaking opisyal ng PhilHealth oras na makumpleto na ang listahan at imbestigasyon sa mga ito.
Binanggit din ng Pangulo na umabot na sa 72 tauhan ng Bureau Of Customs ang kanyang sinibak sa puwesto matapos masangkot sa kurapsyon.
Habang umaabot naman aniya sa 62 officers ng Bureau of Immigration ang inalis sa tungkulin dahil rin sa kaparehong kadahilanan.
Makailang ulit na ring sinabi ni Pangulong Duterte na sobra na ang kanyang galit sa patuloy na kurapsyon sa pamahalaan.