Pinamamadali ni Senador Bam Aquino ang proseso nang pagpapatalsik sa mga abusadong pulis.
Ayon kay Aquino hindi mababawasan ang mga kaso nang pag aabuso ng mga pulis kung hindi mababawasan ang mga delikuwenteng pulis.
Sa kabuuang isandaan at walumput isang libong pulis sinabi ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa na nasa dalawang porsyento lamang ang pulis na sangkot sa illegal drugs.
Sa ngayon 447 pulis ang isinasailalim sa surveillance habang mahigit 200 pulis ang napatalsik na sa puwesto dahil sa ibat ibang dahilan.
Umaasa si Aquino na tututukan ng PNP ang mga kasong ito sa mga susunod na buwan para mawala na sa organisasyon ang tiwaling pulis.
Nais din ni Aquino na matiyak na may sapat na pondo ang PNP para sa malinis ang kanilang hanay.